Saturday, 17 February 2018

Image may contain: 1 person, smiling, standing and text[SALES TRAINING]
“HOW TO SELL ‘APS’/'ATM' MORE EFFECTIVELY USING FACEBOOK MARKETING.” –PART 2
.
Learn how you can have an effective advertising on Facebook thru understanding how to create a message that sells to your audiences.
.
Have ever you wonder how is it possible to convert your visitors into buying customers?
.
Ano ba talaga 'yung formula kung saan maari mong pagtuunan ng iyong focus ng sa ganoon ay mailevel-up mo 'yung kalidad ng bawat marketing campaign na ginagawa mo to promote your products or services to the marketplace?
.
Sa mga naunang posts natin inside this Group Page natalakay natin 'yung step-by-step formula kung paano natin masisimulan 'yung conversion process ng isang ramdom Facebook User into our potential customer.
.
Nariyan 'yung paggamit ng VISUAL MARKETING kung saan kailangan mong makuha 'yung 'ATTENTION' ng Facebook User by giving them enough VALUE na makakapagpahinto sa kanila sa kaka-scroll from their newsfeed.
.
'VALUE' sa mata hindi sa utak. The more na nauunawaan mo 'yan the more na mas magiging magaan sayo ang marketing sa stage na ito.
.
Before they focus their minds on your OFFER sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong 'POST TITLE'... kailangan mo munang makuha ang 'ATTENTION' nila.
.
Maraming mga FACEBOOK POST dyan ang valuable sana kaso hindi napapansin dahil sa hindi siya nananalo sa unang STAGE kung saan VISUAL ang labanan.
.
Once na makuha mo ang 'ATTENTION' nila thru 'IMAGE' or 'VIDEO' saka lang nila pagtutuunan ng pansin ang 'TITLE' ng post mo at doon natin malalaman kung makukuha mo ang 'INTEREST' nila na magpatuloy magbasa o patuloy na manood sa kung anong iniharap mo sa kanila.
.
Walang specific na basehan kung 'IMAGE' ba ang applicable na gamitin o 'VIDEO' kasi maraming taong mahilig magbasa at marami ding taong mahilig lang manood.
.
Two different ocean 'yan kumbaga. Maari kang makakuha ng mga qualified prospects from using 'VIDEO' and from using 'IMAGE'.
.
Basta lagi niyo lang tatandaan 'yung 2 bagay na dadaanan nila which is 'ATTENTION' then 'INTEREST'.
.
At palagi mong tatandaan 'yung una kong tinuro sa inyo na 'EVERYTHING IS ALL ABOUT SELLING'. It's all about 'TRADING'.
.
Kung gusto mo ng pabor magbigay ka ng pabor. Ganun lang kasimple 'yun. Walang libre sa mundo. Ang bigat ng pabor na makukuha mo sa tao ay depende rin sa bigat ng pabor na binigay mo sa kanila.
.
Huwag mong iinsultuhin ang intelligence ng kahit sinong prospects mo by giving them trash then you are expecting them to pay attention to you and make them buy your products.
.
Kapag gumagawa ka ng CONTENT ipagpalagay mo nalang sa sarili mo na ihaharap mo 'yan sa karespe-respetadong tao. Kung nauunawaan mo 'yung sinasabi ko hinding hindi ka magpapasa ng mga POST AD na kalokohan ang konsepto.
.
Now we are come to this point kung saan tatalakayin naman natin 'yung ikatlong bagay na bubuo sa formula.
.
Kailangan niyo namang matutunan kung ano ba 'yung kasunod sa paggawa ng isang EFFECTIVE na Facebook Ad na magagawa mong magkaroon ng mataas na RESULT RATE.
.
Gusto ko lang ipauna lalo na sa mga baguhan sa Facebook Ads andami kong nakikita na proud na proud sila sa FACEBOOK REACH.
.
Ang FACEBOOK REACH na tinatawag ay mga taong nakakita ng POST mo pero hindi ibig sabihin na okay sila. Kasi binabase natin ang RESULT sa 'ACTION' nung nakakita.
.
Kahit isang milyon pa ang nakakita niyan kung wala namang nagtetake action o tignan man lang 'yung idea mo tingin mo nagkakaresulta ka?
.
Hindi syempre! Nag-a-aksaya ka lang ng oras at pera mo.
.
Kailangan mong magfocus sa mga result na nag-te-take action ang mga taong nakakakita ng post mo.
.
Bilang isang tao na nasa mundo ng Entrepreneurship magsisimula talaga ang steps mo sa pagpapalawig ng iyong "REACH". Kailangan bawat araw atleast man lang may higit isang libo ang nakakakita ng MESSAGE mo.
.
So ngayon kailangan mong maunawaan na, at first, na ang FACEBOOK AD mo ay parang 'PINTUAN' na may nakasabit na 'POSTER'. I want you to look at it this way para magkaintindihan tayo sa mga susunod kong ipapaliwanag.
.
Kung pagmamasdan mo 'yung nilagay ko sa IMAGE ng CONTENT na ito isa 'yan sa 2 PINTUAN na nilikha ko nung time nakumakalap ako ng DATA kung ano 'yung magiging basehan ko ng effective marketing campaign thru APS.
.
Kung papansinin niyong mabuti 'yang IMAGE na 'yan ay isang FACEBOOK AD na dumaan sa isang KONSEPTO ang pagkakagawa.
.
Walang nilagay dyan maski isang WORD na hinuhuluan lang o nag-e-espekulasyon. Lahat 'yan may Psychology. Lahat ng nilagay dyan tumatama sa OBJECTIVE.
.
Tignan mong mabuti 'yung IMAGE. Nakukuha mo 'yung Psychology? 'Yung pinsan ng Girlfriend ko na isang 9 years old nakita niya 'yan at naintindihan niya 'yan. Kahit walang nakalagay na words. Isipin mo 9 years old 'yun.
.
Ganyan 'yung mga VISUAL CREATIVES na kailangan niyong malikha at magamit. Mga CREATIVES na nangungusap sa mata ng mga makakakita.
.
Sigurado ikaw rin nauunawaan mo kung anong mayroon sa IMAGE na 'yan at kung paano siya naka-align sa promotion ko ng APS. Tama ba?
.
Simpleng-simple lang hindi ba?
.
Nakasalalay sa 'POSTER' na 'yan kung 'yung mga dumadaang tao o mga nag-i-scroll sa Facebook ay magbibigay ng ';ATTENTION' at 'INTEREST' nila sayo at papasok sa pintuan mo o ng Facebook Ads mo.
.
And once na sabihin nating nakuha mo ng tama 'yung 'ATTENTION' nila at 'INTEREST' through VALUE GIVING... kapag sa oras na pumasok sila sa pintuan doon na lilitaw 'yung isa pang laban na kailangan mong mapagtagumpayan.
.
Dito nagkakaroon ng magkakaibang strategy ang mag Entrepreneur sa Online World.
.
Marami akong nakikita na pagpasok mo sa ADS nila ang bubungad sayo ay CAPTURE PAGE.
.
Ang CAPTURE PAGE na tinatawag ay 'yung WEBPAGE o pahina sa isang WEBSITE kung saan nakadesign siya para kuhanin 'yung EMAIL ADDRESS ng mga visitors mo ng sa ganoon ma-pa-follow up mo sila.
.
Ang CAPTURE PAGE sa tunay mundo parang papel 'yan na before kang pumasok sa PRESENTATION ROOM kailangan mo munang mag-log ng details.
.
So ano 'yung nakikita nating kulang sa bagay na ganito?
.
Isipin mo ikaw bilang isang taong naglalakad sa mall tapos nakakita ka ng isang STORE tapos nakasarado pintuan tapos 'yung poster na nakasabit sa pintuan nila nakuha ang 'ATTENTION' mo at 'INTEREST' kaya nagdecide kang pumasok tapos pagpasok mo bubungad sayo ay isa na namang pintuan tapos mag-LOG SHEET doon na kailangan mo daw mag-iwan ng INFO mo before kang pumasok.... ano ang magiging thoughts mo sa ganoong procedure? Tapos hindi mo naman alam pinapasok mo?
.
Guys, don't get me wrong. Sangkatutak ang gumagamit ng ganyang way sa atin... wala namang mali dyan pero 100% akong nakakatiyak na kulang 'yan!
.
Kumbaga 'yan 'yung klase ng STORE na babagsak sa AUDIT lalo na pagdating sa Customer Service. Hindi kasi lahat ng tao may INITIATIVE o INDEPENDENT.
.
Kailangan mong maunawaan lalo na nasa business ka na maraming Customer dyan tamad mag-isip. Kailangan nila ng guidance palagi. Mas magiging effective ang marketing mo kung mayroon kang 'Customer Service' o sabihin nalang natin na 'Customer Assistance'.
.
Kung naguguluhan ka intindihin mo itong sasabihin ko ngayon.
.
Ako si JAN, kung ako mag-o-open ng isang STORE tapos ang objective ko ay maging aware sila sa business ko by sending them to our PRESENTATION ROOM.
.
Anong proseso ang gagawin ko para 'yung mga taong nasa labas ay mapapapasok ko sa PRESENTATION ROOM?
.
Ganito 'yan.
.
Maglalagay ako ng isang BEST PROMOTIONAL MATERIAL sa pintuan na maihaharap ko sa mga tao. Uulitin ko ah.... BEST! Hindi basta basta lang. Nauunawaan ko kasi na busy sila. And everything in life is SELLING.
.
Kung gusto ko ang ATTENTION at INTEREST nila kailangan ko yun bilhin thru VALUE!
.
And once na makakuha ako ng VISITOR at pumasok sila sa PINTUAN ang bubungad sa kanila ay hindi isang LOG SHEET na nakaharang sa iisa na namang pintuan which is ang PRESENTATION ROOM.
.
Ang bubungad sa kanila ay isang "FRONT DESK'. Kung saan dito sila makakakuha ng isa pang INFORMATION regarding kung ano man ang nakita nilang idea na nakapaskil sa pintuan.
.
Ang goal ng "FRONT DESK" ay hindi sabihin ang BLUEPRINT ng kung anong PRODUCT or SERVICES ang inooffer dahil trabaho na 'yun ng PRESENTATION na ginaganap sa PRESENTATION ROOM.
.
Ang goal ng "FRONT DESK" ay mai-lead 'yung tao sa PRESENTATION ROOM para pakinggan 'yung presentation by giving them VALUE about the CONCEPT.
.
Ito ay isa na namang laban na kailangan niyong mapagtagumpayan. Nakasalalay sa FRONT DESK kung tutuloy 'yung tao sa ROOM o hindi!
.
Kung halimbawa ako 'yung nandun sa FRONT DESK tapos pumasok ka sa pintuan ano bang itatanong mo sa akin?
.
Di ba ang tatanungin mo ay "ANO 'YUN?" at "PAANO 'YUN?"... "PARA SAAN 'YUN?" tama?
.
Kailangan dito mo ibabase sa mga tanong na ito 'yung sasabihin mo sa message. At ito 'yung pinaka critical sa lahat.
.
Bakit?
.
Maraming taong kayang gumawa ng 'MESSAGE' pero kung hindi mo alam kung saan mo ibabatay 'yung message mo ang tendency magkakamali ka.
.
Huwag kayong mawawala sa OBJECTIVE mo na kaya ka nariyan sa FRONT DESK ay para mai-lead 'yung mga visitors sa PRESENTATION ROOM.
.
Hindi lang basta-basta ma-i-lead sila doon kundi mabigyan sila ng STRONG and VALID PURPOSE kung bakit sila mag-i-spend ng oras doon.
.
So ang tamang MESSAGE na kailangan mong maiparating sa kanila ay tungkol sa "CONCEPT" hindi tungkol sa "BLUEPRINT".
.
Trabaho ng PRESENTATION ROOM ang 'BLUEPRINT' hindi ikaw. Ang part mo ay maidetalye sa kanila 'yung 'CONCEPT' at 'yung ang dapat laman ng MESSAGE mo.
.
Sa Online World tinatawag 'yang BLOG. Pagpasok nila sa PINTUAN or FACEBOOK AD mo kailangan ang bagsak nila ay hindi CAPTURE PAGE ....napaka-assuming mo naman kung ibabagsak mo sila agad sa CAPTURE PAGE.
.
So out of curiousity na naman ang labanan ng actions nila niyan kung ganyan eh ang pinapractice nga natin ay VALUE MARKETING!
.
Ang critical sa ganitong gawain naman ay marami sa gumagawa ng BLOG ang hindi alam 'yung Basic na ang dapat sineshare doon ay "CONCEPT".
.
"CONCEPT" means.... parang ganito para magkaintindihan tayo....
.
Kapag ako 'yung nasa FRONT DESK ang sasabihin ko sayo ay ganito....
.
Maam/Sir,
We are Unity Network po. Kami po ay isang ______.
Kami po ay nagpoprovide ng ganito ______.
We helping people about _________.
And bla bla bla bla and so on!
.
Kung mapapansin mo ang MESSAGE ko hindi ako nagsasalita about BLUEPRINT kundi about CONCEPT. Kinukuha ko ang INTEREST ng tao base sa VALUE ng CONCEPT na mayroon ang PRODUCT ko.
.
CONCEPT... for example sa APS ano bang concept mayroon 'yan? ONLINE BUSINESS hindi ba? Sa ang ipapaliwanag ko sa BLOG ay tungkol sa concept ng ONLINE BUSINESS.
.
Hindi pwedeng didiretso ka sa APS.
.
Before nila tanggapin ang "IDEA" about APS kailangan muna nilang matanggap ang "IDEA" na ang ONLINE BUSINESS is wise decision.
.
Madali lang tanggapin ang "IDEA" about APS kung ang taong pepresentan mo ay OPEN na sa "IDEA" ng konsepto ng ONLINE BUSINESS!
.
Klaro ba Guys?
.
For example, hubog ka bilang isang worker. Wala sa dugo mo ang pagiging negosyante. Tingin mo magiging healthy sayo ang mga banat na about COMPLAN eh hindi ka nga OPEN?
.
Are you with me?
.
Isa sa mga naging strength ko kung bakit ako naging successful both Online and Offline ay dahil sa maxado akong literal mag-operate.
.
Marami akong napatransition from being a Worker to Entrepreneur. Nagagawa ko 'yun dahil namaster ko ang pagmamarket ng CONCEPT.
.
Ngayon nasa STAGE tayo na ang labanan naman ay pagmamarket ng konsepto ng ONLINE BUSINESS. Saka niyo lang isunod 'yung tungkol APS.
.
Mas yayakapin nila ang APS kung open na sila sa possibilities ng ONLINE BUSINESS lalo sa panahon natin na lahat tayo ang hinahangad malaking kita na hindi ka naman mamamatay kakatrabaho ng mahabang oras.
.
Makukuha mo ang solution dyan thru Online dahil ang Online kahit tulog ka gising yan. Kahit depress ka walang pakialam 'yan magtatrabaho parin yan. Kahit abala ka focus parin yan sa objective niya.
.
Kaya ang labanan ngayon dito ay all about Education. Maraming tao ang "ALAM" ang Online Busines na word pero hindi nila nauunawaan ang "IDEA". So bilang isang EDUCATOR 'yan ang trabaho mo.
.
Ang labanan dito ay pagalingan magpaliwanag. Paramihan ng mga napaliwanagan. Kung sino 'yung mananalo dyan siya yung kikita ng malaking income.
.
So by following this formula nagagawa kong makapag-pa-spark ng INTEREST sa mind ng taong kausap ko at nagsisilbi 'yung matibay na edge sa akin para masigurado kong ibibigay nila sa akin ang kanilang EMAIL ADDRESS ng kusa at papasok sila sa PRESENTATION ROOM ng hindi out of curiosity na tipong hindi nila alam kung bakit nandun sila..... kundi out of thirst sa details ng value na naishare ko sa kanila.
.
Kumbaga pagpasok nila sa ROOM hindi tumatakbo sa thoughts nila na "Kung ano kayang meron dito?" kundi "Ang ganda ng ganung idea paano kaya 'yun... excited!".... gets niyo?
.
Kaya kahit mahaba 'yung video no problemo! Bakit? Napaghandaan ko na 'yan. Sinigurado ko na 'yung VALUE na binigay ko sa kanila ay maxadong mabigat kaya sinisigurado kong hindi sila aalis hanggat hindi nila natatapos ang video na yan.
.
Dahil they take it as a FAVOR FOR THEMSELVES! Not for us. Not for me. But for THEM!
.
Pagpasok nila sa ROOM bukas ang utak nila na pakinggan ang lahat ng sasabihin ni Coach Eduard Reformina at tatanggapin nila 'yun as FAVOR for them not favor for us! Klaro Guys?
.
Pagpasok nila dyan sa ROOM ang bitbit nila ay... "Kailangan ko ng ganito sa buhay ko." ....hindi 'yung "Kailangan ka ng company." Magkaibang bagay yan Guys at magkakaalaman tayo sa message na naiparating mo sa kanila using your BLOG.
.
Kaya 'yung mga natatanggap kong message sa dati kong Page ang mga message nila ay "Gusto nilang sumama sa akin." Hindi 'yung parang ang tema pa nila ay "CONVINCE ME" gaya ng nakikita kong reklamo ng ibang marketer.
.
Kapag nababasa ko mga sinesend ng Members niyo sa akin at nagpapaturo ang itsura ng conversation ay nilalamon kayo ng buhay ng mga prospects niyo.
.
Na para bang kinakailangan mo pang lumuhod para lang sila pumasok. Ayoko ng ganyan sa totoo lang. Kaya sinisigurado kong 'yung materials ko enough value na hindi ako magkakaroon ng ganyan.
.
Learning so far?
.
Ito 'yung ikatlong bagay na maging laman ng FORMULA ninyo as Marketer.
(1) ATTENTION (Visual Marketing)
(2) INTEREST (Headline / Sub-headline / Text Descrption)
(3) MESSAGE (Blog Content)
.
May kailangan akong linawin sa usaping "MESSAGE".
.
Ikaw na nagbabasa ngayon, anong sariling definition o pagkakaunawa mo nalang sa salitang "MESSAGE"?
.
Pakiintindi nalang ah?
.
May "MESSAGE" kasi na ang unawa ng marami is kung ano 'yung "SINABI". Kung ano 'yung 'SINABI' mo sa kausap mo.
.
Pero if you want to become an EFFECTIVE MESSENGER magfofocus ka sa mas malalim na kahulugan which is kung ano 'yung "NAIPAHATID"... "NAIPARATING".... "NAIAPAUNAWA".
.
It is one thing na may nasabi ka.... pero kung may NAIPAUNAWA ka you will become a Game Changer!
.
Ang MESSAGE na titignan mo dito bilang isang COMMUNICATOR is "Ano ba 'yung naiparating mo sa kanila?"
.
Pasok ba siya sa objective mo?
.
Marami kasi sa mga nakikita kong BLOG bilang isang taong may background sa Psychology kapag binasa mo at tinignan mo 'yung SPIRIT ng MESSAGE ng content nila nakafocus sila sa "MESSAGE" which is kung ano nalang 'yung sinabi nila at hindi base sa kung ano kaya 'yung marereceive na MENSAHE nung taong babasa ng content na 'yun.
.
Eh di ba nga ang BASIC LAW sa Marketing is "IT'S NOT ABOUT US, IT'S ABOUT THEM!"
.
Baka sabihin mo naman sa akin na 'yung mga minemessage mo naman ay hindi Psychologist. Kaya bakit mo poproblemahin 'yung "SPIRIT" ng message?
.
Guys I want you to learn something. Nakakita ka na ba ng SPEAKER o minsan pinaka kontrobersyal yan sa mga PASTORS.
.
Madaling magsalita pero hindi ganun kadali mangusap. Kaya marami ang nag-sa-shutdown.
.
Marami kang makikitang SPEAKERS na nakakabagot pakinggan. Mapapakamot ka ng ulo. Kung baga gusto mo nalang mag-cellphone keysa makinig sa kanya... tama ba?
.
Harapin natin 'yan. Totoo 'yan. Nag-e-exist ang issue na 'yan.
.
Maging honest kayo minsan ganun din s Church di ba? Kaya nga nagkakaroon ng mga favorite speakers eh. Hindi dahil sa sadya mo lang silang favorite kundi dahil sa nakakarelate ka kasi sa kanila.
.
Sa kanila mo nagagawang makareceive ng something about sa topic. Hindi lang basta basta may marinig ka.
.
Hindi lang sila basta basta SPEAKER kundi mga COMMUNICATOR.
.
Isang example, alam mo naman na mahaba itong content ko di ba pero binabasa mo hanggang dulo. Kung sisiyasatin mo yung tatlong nauna kong post at titignan mo yung COMMENT ano ang kalimitang sinasabi niyo?
.
GRABE ANG HABA PERO NATAPOS KO! Tama ba?
PETMALU LODI! GALING! Hindi lang kayo nagbabasa kundi nagmemessage pa kayo at ang hahaba ng mga message niyo sa akin puro nobela nababasa ko. (Hindi lang ako makapagreply Guys)
.
Naging possible ang lahat ng yan ay dahil sa nakafocus tayo sa MESSAGE na matatanggap niyo at hindi sa MASASABI ko. Nakafocus tayo sa INYO hindi sa AKIN.
.
Kaya kahit ang HABA kahit hindi ka naman talaga nagbabasa sa buhay mo dito napabasa ka. Yan ay dahil ang MESSAGE ay para sayo.
.
Ginamitan ng Psychology. Nagfocus sa pagiging COMMUNICATOR hindi sa basta basta sa pagiging SPEAKER.
.
So ngayon knowing this ideas kailangan magfocus ka sa kung ano 'yung MESSAGE na matatanggap nila hindi sa kung ano yung MESSAGE na sinabi mo lang.
.
We are Human Beings. Alam mo man o hindi lahat tayo binabalot ng Psychology. Kaya kung matututunan mong makipagsabayan sa Psychology ng mga tao sa paligid mo mas madali mo silang ma-i-li-lead.
.
Kalaban mo dito ang Sub-consious Mind ng bawat reader or listeners mo. Psychology ang dahilan kung bakit ginagawa ng mga tao ang ginagawa nila. 'Yan yung nagsisilbing RULER ng pagkatao mo. Ng mga actions mo. Behavior.
.
RULER na parang tiga-utos ah. Hindi 'yung RULER na gamit ng mga Architecture Students.
.
Kapag napagtagumpayan mo lahat ng "LABAN" na 'yan through SELLING or TRADING makakasigurado ka na papasok sila sa loob ng PRESENTATION ROOM na handa ang mga utak nila.
.
Magkakaroon ka ng mataas na CONVERSION RATE from VISITORS to CUSTOMERS. Pero lilinawin ko lang Guys na learn to respect people's choices. Marami kang makikitang tao na kahit maganda ang offer mo sila mismo ang magdidisqualify sa kanilang mga sarili sa mga kadahilanan na hindi mo na rin alam.
.
Ang goal mo ay maiharap 'yan sa pinaka best number na kakayanin mo. Always give your best by increasing your numbers. Pasasaan at pasaan magkakaresulta ka din.
.
Maraming negative sa paligid. Maraming may mga self-limiting beliefs. Maraming may mga upbringing na hindi maganda ang humulma sa pagkatao ng marami sa mga magiging visitors mo at kailangan mong intindihin 'yun.
.
Hindi mo objective ang makipagpumilitan sa kahit sino to the point na nagiging manipulative ka na. Your job is to care. Ganun kasimple!
.
Ang journey ng isang Entrepreneur ay tungkol sa 'Pagtataguyod ng isang pinaniniwalaang idea."
.
Once na ikaw ay maging part ng isang Business Opportunity kailangan mong maniwala sa opportunity na mayroon ka at kailangan mo 'yang ipaglaban not to the point na makikipag away kundi sa point na handa mo silang iharap sa lahat.
.
Along the way maraming tatawa sa idea na yakap yakap mo. Maraming taong iinsultuhin ka. Maraming taong kalokohan at stupido ang tingin sayo. Huwag mo silang pansinin. At huwag kang magrerely sa kung ano man ang mga sinasabi nila.
.
Bawat pangarap na mayroon ka ay "IDEA" 'yan. Pinaglalaban mo 'di ba? Maraming hindi naniniwala sayo 'di ba? Kaya ka nga pumasok sa Business Opportunity ay dahil sa "IDEA" na pinaglalaban mo din sa buhay....
.
IDEA na gusto mong makapag-provide ng mas masaganang hapag-kainan.
.
IDEA na gusto mong makapag-provide ng mas matino at safe na kabahayan sa pamilya mo.
.
IDEA na gusto mong mas maging makulay 'yung buhay na naihaharap mo sa pamilya mo.
.
Lahat ng IDEA na 'yan ay kailangan mo ng malaking halaga para mo makuha. Tanggapin mo man sa sarili mo hindi.
.
The momemnt na lumarga ka sa Marketing dala-dala ang "IDEA" ng Business Opportunity mo... ang objective mo is to share it with everyone it doesn't matter kung gusto nila o hindi.
.
The journey is all about "SHARING THE IDEA". Kailangan nagmumula sayo mismo 'yung SPIRIT OF BELIEF na gusto mong taglayin din ng mga taong titingin ng idea mo.
.
Kaya maling-mali 'yung palaging sinasabi ng mga Beginners na... hindi sila nagiging effective kasi wala silang RESULTA.
.
Wala silang maipakita na SCREENSHOT ng earnings nila at sinisisi nila ngayon ang kundisyon nila as suspect kung bakit wala silang resulta. Mali ang ganito!
.
Mahalaga oo na may maipakita ka rin na resulta sa kanila pero hindi doon nakabase ang lahat.
.
Ang pinaka-effective na PROOF na kayang makapag-convince ng iyong prospects ay ay iyong BELIEF!
.
Paano kami noong mga nagsisimula rin kami sa dami na ng pinasok kong Business Opportunity. Wala rin naman akong pinapakita. Never akong gumamit ng result ng iba sa totoo lang. Pero nagkakaresulta ako. Paano ko nagagawa 'yun?
.
By showing them that "I BELIEVE" in this "IDEA". Yes maaring wala akong resulta lalo na kapag nagsisimula ka palang pero once na ang MESSAGE mo ay "YOU BELIEVE" in the "IDEA" maraming tao ang maniniwala sayo kahit wala kang SCREENSHOT.
.
Tawag dyan ay "SPIRIT OF BELIEF". At marami ang nakakarelate dyan maging truthful ka lang. Sometimes hindi lang naman "STRATEGY" ang basehan sa effective marketing eh kundi "CARE".
.
So starting today gumawa kayo ng FACEBOOK ADS na binubuo ng mga CONCEPT na naituro natin sa inyo.
.
Napakahalaga ng KONSEPTO Guys. Dyan dapat bumabase 'yung pagkakagawa ng material mo.
.
Ang labanan dito ay nasa BLOG hindi naman talaga 'yung VIDEO. Hindi kinakailangan maging expert sa pagsusulat kundi kailangan mo lang maging totoo sa kanila about sa nalalaman at pinaniniwalaan mong IDEA.
.
Ganun kasimple.
.
Huwag kayong magkaroon ng maling pananaw na basta madala mo sila sa VIDEO okay na. Subukan mong aralin 'yung STATS ng CONVERSION hindi mo masasabing okay 'yun.
.
Part na ng company ang VIDEO part mo naman ang CONTENT o BLOG. Huwag mo ng katamaran 'yan.
.
Maraming tao na itong sinasabi ko hindi applicable sa kanila kasi mas madali nga namang mang hype. Walang kahustle hustle pero one thing is for sure.... HUHUPA YAN!
.
Kapag ang isang tao nag SIGN UP sa isang Business Opportunity tapos ang purpose ay nahype... yan ang rootcause kung bakit marami ang hindi lahat nagiging PRODUCTIVE.
.
Bakit? Hindi nagtugma 'yung nasaksihan nila sa ineexpect nila. Klaro?
.
Kaya kung ikaw dadaan ka sa tama mauungusan mo lahat 'yan it doesn't matter kung nauna sila sayo ng isang taon. Ganyan ang labanan sa Marketing.
.
Kaya huwag kang panhinaan ng loob kahit baguhan ka pa. Focus ka sa quality ng Marketing mo magkakaroon ka ng maganda at predicatble na resulta.
.
Nakagawa ako ng 3 POST about Marketing sa Page na ito. Lahat ng bagay may dahilan sabi ko nga. Hindi ko 'yan pinaglagakan ng oras dahil lang sa trip ko.
.
'Yang mga post na 'yan ang SAGOT sa more than 350 MESSAGES (ayon sa binilang ng napag-utusan ko) na natanggap ko last July 2017 before akong nawala due Basketball Camp..
.
'Yan ang kailangan niyo para magkaroon ng CORE ang inyong Marketing thru Facebook.
.
This would be my last post for now dahil I will enter the Battlefield with you Guys. Very motivated talaga ako na kuhanin 'yung dalawang Archiver's Ring. Last MARCH 8 nung napanood ko 'yung video about that ring saka lang ako nagdecide na sige trabahuhin ko itong Affiliate Marketing Side
pagtapos ng Basketball ko by October.
.
Wala pa akong Sing-sing buong buhay ko regarding sa Marketing kaya talagang excited ako para dyan more than anything else.
.
So kita-kits Guys. Ang basehan nalang ngayon ay tungkol sa VALUE at sa DISTRIBUTION nung value thru Facebook. Kasama na Budget dyan and allotted time mo sa business na ito. Doon makikita resulta mo.
.
Keep on learning new things. Lalo na sa LIVE VIDEOS nila. Since 2014 dyan lang naman ako nakabase. Video ako palaging nag-aabang. Gusto kong makita 'yung mga bagong knowledge ni Coach Eduard and his understanding about all of his topic kaya andito ako hanggang ngayon. It's all worth it. Don't follow the company. Follow the Founder. The Person.
.
By doing that you will have something more than you spend for.
.
Buti nalang dumating 'yung Sing-sing in my case. Now I have a reason to work this Affiliate Side.
.
Thanks for all your time spend with my content. I hope you've learned something from it. Have a bright future ahead. God bless everyone.
.
Again, WIN these battlefields.
(1) ATTENTION
(2) INTEREST
(3) MESSAGE
.
You will have an effective Marketing Campaign.
.
At your service,
.
Michelle Dacoco

No comments:

Post a Comment